The Web Standards Project » Tagalog/Filipino http://www.webstandards.org Working together for standards Fri, 01 Mar 2013 18:30:30 +0000 en hourly 1 http://wordpress.org/?v=3.3.1 Inaanunsyo ng WaSP ang International Liaison Group (ILG) http://www.webstandards.org/2007/02/01/20070201-tl/ http://www.webstandards.org/2007/02/01/20070201-tl/#comments Fri, 02 Feb 2007 01:41:45 +0000 mollyeh http://www.webstandards.org/2007/02/01/inaanunsyo-ng-wasp-ang-international-liaison-group-ilg/

Isang hangarin at pag-asa ko sa panahon ng pagiging pinuno ng Web Standards Project ay ang makaabot sa iba at makagawa ng samahan sa buong daigdig. Kung tutuusin, ito ang World Wide Web, tama? Nagbunga sa aking isipan na upang maisulong ang ating misyon, ang pagiging inklusibo at hindi eksklusibo ay ang mas nararapat.

Dahil dito, nagsimula akong mag-isip ng panibagong grupo para sa WaSP. Hindi ito magiging isang komite o Task Force, bagkus, ito’y magiging samahan ng mga dedikado sa pamamahagi ng kaalaman sa daigdig. Ang adhikaing ito ay para magbigay ng lugar para sa mga salin, pag-uugnayan, pagpapalitan ng impormasyon at kahit pa harapang pagkikita kung saan man posible. Ang grupong ito ay bubuuin ng mga indibidwal at iba pang mga grupo. Ito’y magdurugtong sa iba’t ibang mga organisasyong pambansa at magbibigay ng mas matitibay na kaalaman at kagamitang pampropesyunal sa mga web developer at designer sa mundo.

Dahil alam kong may mga napipintong pagbabago sa personal kong buhay, nag-alangan ako sa pagsulong ng ideyang nasaad, natakot na mag-iwan ng bagong tunguhin sa kabila ng napakatagal nang pagsubok na kinaharap ko sa WaSP. Napakahirap pamahalaan ang grupo ng mga boluntaryo sa malinaw na kadahilanang mas inuuna ang kanilang mga indibidwal na prayoridad tulad ng kabuhayan at pamilya kaysa sa oras ng pagtulong nang walang kapalit. Sa kabila ng lahat, inihain ko pa rin ang aking ideya, at masaya ako sa aking ginawa.

Matapos ko iyong imungkahi, ang grupo ay ‘di lamang nagsimulang lumago, kundi pati na rin itatag ang sarili nang may demokrasiya. Ngayon, ang ILG ay pormal na pinamumunuan ng dalawang napakadedikadong babae, sina Stephanie Troeth at Glenda Sims, na ang sari-sariling mga naibahagi sa pagkapropesyunal at kagalingan sa ating industriya ay sadyang kapansin-pansin. Kasama ng isang lupon ng mga indibidwal na may kanya-kanyang talento mula sa iba’t ibang panig ng mundo, itong progresibo at inklusibong adhikain ay sumusulong nang may malalim na hangarin.

Buong puso at ligaya kong ipinakikilala sa inyo ngayon ang Internasyonal na Grupong Tagapamagitan ng WaSP (Web Standards Project International Liaison Group).

Nagmamahal,
Molly

Molly E. Holzschlag
Dating Puno, Web Standards Project (WaSP)

— Aja Lorenzo Lapus

]]>
http://www.webstandards.org/2007/02/01/20070201-tl/feed/ 0